|
BibliaSapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos. Roma 3:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Roma 6:23 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman. Efeso 2:8-9 Samantala, ang publikano'y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!' Lucas 18:13 Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatalang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya. Juan 3:16-17 Lubos na iniibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang atulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. Juan 3:16-17 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon. 1 Corinto 10:13 Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalalimam, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos--pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Roma 8:38-39 Si Cristo ang hangganan ng Kautusan, at sa gayon, ang sinumang nananalig sa kanya ay pawawalang-sala. Roma 10:4 Sapagkat sinasabi niya: Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, "Mga kapatid, ano ang gagawin namin?" Sumagot si Pedro, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo." Gawa 2:37-38 at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan. Efeso 4:24 RomaSapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos. Roma 3:23 Ayon sa nasusulat: "Walang matuwid, wala kahit isa;" Roma 3:10 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Roma 6:23 Ang kasalana'y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Roma 5:12 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Roma 5:6 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Roma 5:8 at sa likas na kabanalan ng kanyang espiritu, ipinahayag siyang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng makapangyarihang gawa-ang kanyang muling pagkabuhay. Roma 1:4 Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Roma 6:9 Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Roma 10:9 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan. "Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon." Roma 10:13 Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalalimam, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos--pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Roma 8:38-39 Ama naming nasa langitAma naming nasa langit, Sambahin nawa ang pangalan mo. Ikaw nawa ang maghari sa amin, Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito; At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok, Kundi ilayo mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.] Mateo 6:9-13 Ipinanganak si JesusNangyari, nang mga araw na iyon, na lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na nag-uutos na dapat magpatala
ang buong sanlibutan. Bible Gateway Copyright © Philippine Bible Society Talang Patnubay Jesus film Payak Na Paraan Ng Diyos Ukol Sa Kaligtasan |